Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 1)

Standard

By Toni Cruz
(Caution: Work in progress)

Medyo matagal-tagal ding hindi ako nakapag-commute mag-isa. Hindi naman ako anak mayaman. Yung ok lang. Yung tipong may kotse pero kailangan kong pagtrabahuan ang pang-gas. Minsan pag may budget, 500 Unleaded. Pag kulang ang budget, 300. Pag wala talagang budget, utang or sasagarin ko siya hanggang makarating sa bahay. Awa ng Diyos, hindi pa naman ako natitirikan. At bilang walang gas yung sasakyan, kinabukasan, makakarinig na ko ng malakas at matinis na pagalit mula sa Nanay ko. Na hindi nagbabago, kabisado ko na nga eh – “Sinabi nang wag mong paaabutin ng 1/4th yung gas! Masisira yung sasakyan! Buti kung may pambayad ka! Hindi mo iniisip yung mga gastusin! Mas mapapamahal pa pag nasira yan!” With matching Tsk at pagkakamot ng ulo or pagbubura ng mukha. Minsan, yun ang nagiging alarm clock ko. Kahit hindi ko pa kailangang gumising.

Ngayon nagco-commute uli ako, not by choice. Kailangan lang talaga dahil kailangang gamitin ng mga magulang ko ang kotse. Nasira kasi yung ginagamit nila. At bilang anak lang ako shempre kailangang magparaya sa mga magulang.

Day 1 – Rode a jeep going to work. The last time I rode a jeep from Fairview to Philcoa, 7 or 10 pesos lang yata. But no! Ngayon, 15 pesos na! At bilang nagmamadali ako nung araw na yun at mabigat ang dala kong bag, mega-para ako sa unang jeep na nakita kong walang sakay sa harap. Gusto kong sumasakay sa harap kasi at least 3 lang kayo. Si manong driver, ako at if ever yung isa pang makikisiksik sa harap. Sinwerte ako ng araw na ito dahil walang mashadong tao sa kalsada, so solo ko ang upuan sa harap. Pero malas din dahil mainit at maalikabok. Traffic pa so ang lagkit at pawis factor eh bonggang-bongga. Aburido pa si Manong Driver dahil walang sumasakay kahit na tinigilan na yata nya bawat kantong makita niya na may tao. Tapos meron pa siyang sakay na papuntang Alabang na supposedly eh dapat bumaba na sa may SM Fairview. At bilang may pagka-masama ng konti ang ugali ni Manong, ibiniba niya ang mag-ina sa kalagitnaan ng Commonwealth.

Ang upsound ni Ate: “Baka naman gabi na kami makasakay dito ha?” Upsound ni Manong: “Bakit naman kayo gagabihin? Dapat nga sa may SM Fairview pa kayo bumaba eh!” Ate: “Aba’y malay ko hindi ko alam eh!” Padabog siyang bumaba hilahila ang anak. Napailing si Manong driver. Ako: Tingin sa labas, dahil ayokong kausapin ako ni Manong dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya if ever. Kaya nagsalita na lang siya mag-isa.

Marami akong napansing usually eh hindi ko napapansin pag nagda-drive ako ng sasakyan. Tulad ng: Meron palang school na itago na lang natin sa acronym na ABE na ang location eh sa palengke area. At take note, Commonwealth Market. Rurok ng kadumihan, ka-putikan at kabahuan sa Commonwealth area. Ay wait… strong contender din pala ang Litex (commonly misspelled as Letix) area so hindi ko sure kung sinong winner ng title na yun. Ang IBM na mukhang bilihan ng kotse eh nalipat na pala sa UP Ayala Land. Hmmm… konti lang pala ang mga hindi ko napansin. Dalawa lang.

At dahil hanggang Philcoa lang ang hangganan ng pasensha ko sa pagco-commute, sumakay ako ng taxi papuntang Mother Ignacia. Well, technically, pagco-commute pa rin ang pagsakay sa taxi pero dahil ako lang ang sakay, hindi ko na kina-count. Except kung…

Day 2 – Rode an FX this time. Dati 15 pesos lang from Fairview to Philcoa. Ngayon 20 pesos yata. YATA dahil feeling yata ni Manong driver eh estudyante ako. Pagkalaki-laki kasi ng bag ko. Ok lang yung FX experience. Mag-isa lang ako sa likod ng FX nung first few minutes until… may sumakay na super nyohong babae. Mataba siya (and I don’t have anything against fat people dahil wala akong karapatan) at malagkit (napadikit kasi sya sakin pagsakay niya. Medyo na-out of balance ata kaya nadikit sakin (bukod sa mataba nga sya at kulang ang space) During that time, I was thinking of ways how to get rid of the smell.

Eto ang mga naisip kong options:
– Buksan ang bintana. Kaya lang walang bintana.
– Magtakip ng ilong gamit ang panyo. Kaya lang baka obvious mashado.
– Magpabango. Kaya lang mas lalong obvious.
– Itutok ang aircon sa mukha ko. Wa-effect!
– Deadmahin ang amoy kahit masakit sa ulo at hindi makatarungan.

Pinagdadasal ko nun na sana Philcoa na para makababa na ko at makahinga ng maayos. Seryoso, sumakit yata yung baga ko. Hindi ko alam kung bakit deadma yung ibang mga kasama ko sa FX… hindi ko alam kung iniisip din nila yung iniisip ko nung time na yon or immune na sila… which is possible. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa FX. Mashadong kulob. Pag may umutot ng silent but deadly, patay na tayo dyan! Isa siyang malaking katatawanan/kahihiyan pero torture din siya if ever.

Finally pagdating ng Philcoa, dalidali akong bumaba para huminga ng usok ng mga sasakyan sa labas. Feeling ko ang swerte-swerte ko na dahil bukod sa hindi ko na naaamoy yung amoy nung babae na parang amoy ng di lubusang natuyong medyas, nakahanap ako ng taxi agad. Wala akong kaagaw! Woohooo! Pagsakay na pagsakay ko… Pakshet… mukhang adik si Manong driver. Hindi naman mashadong maliwanag. Actually medyo umaambon pero naka-shades siya na sobrang dark. Tapos hindi siya nagsasalita. Mabilis din siyang magpatakbo kahit traffic. So medyo tumatalsik-talsik ako sa likod (parang yung isang short film ng BMW na ang artista eh si Madonna) Isa pang ikina-badtrip ko eh hindi gumagana ang metro ng hinayupak na taxi driver na yun. Natetempt akong sigawan si Manong but no… mukhang high talaga siya. Natempt din akong pumara sa tabi pero deadma na. Sabi ko sa sarili ko you can do this. Stay calm… (pero actually ang tumatakbo talaga sa isip ko: putangina, putangina, putangina…shet, shet, shet! Paking shet!) Nung paliko na kami sa may Mother Ignacia, nakasakbit na ang bag ko at ready to go na ko. Hawak ko na rin ang pambayad sa kanya. Bigla siyang sumigaw. Shempre nagulat ako. Manong: “DITO KA NA?!” Shmpre nawindang ang beauty ko. Ako: “Dyan na lang sa tabi.” Pagkatigil na pagkatigil ng taxi bukas ako agad ng pinto at inabot ang bayad at binalibag ang pinto. Nakita ko siya sa peripheral vision ko na nakatingin lang sakin at shempre hindi ko talaga siya tinignan. Lord… bakit merong mga taxi driver na adik?

Which makes me think… Kailangan ko ba talagang mag-taxi? Pwde namang mag-FX na lang tapos tricycle. Or jeep tapos tricycle. Or lakad… Pero nagmamadali ako ng parehong araw na ito… Makakatagal kaya akong mag-commute for a few more weeks? Tatakbo ba uli si Gloria? Mati-tigs na ba si Tita Cory (knock on wood)? Tataas ba uli ang presyo ng gas? And more importantly, magiging Vampire ba ang baklang si La Fayette sa True Blood? Abangan…

Originally posted on Facebook: http://www.facebook.com/notes.php?id=749251843#/note.php?note_id=136041209688
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s