Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 2)

Standard

By Toni Cruz
(Caution: Work in progress)

Day 3 – Bilang tirik na tirik ang araw, nag-FX uli ako going to work. Usually, pagkasakay na pagkasakay ko nagbabayad agad ako ng fare pero this time may thinking moments. Inisip ko kung sa Quezon Ave ako bababa at maglalakad hanggang sa Esguerra gate. Pero dahil mainit talaga at wa-effect ang buga ng aircon ng FX na ito, hanggang Philcoa ulit ang binayad ko. Pero kahit nakabayad na ko, iniisip ko pa rin kung what if sa Quezon Ave na ko bumaba. Pwede namang magbago ng isip di ba? But no, hindi yata traffic nun dahil nagulat ako ng sumigaw si Manong driver ng “MERON SA PHILCOA?” Shempre ako naman na-shock sa bilis ng biyahe at dahil hindi ko na natapos ang thinking moments, nasabi ko na lang: “Dyan na lang po sa may Caltex!”

Pagbaba ng Caltex, nag-iisip pa rin ako. I know… ang tagal kong mag-isip. Hahaha! Pero pumara pa rin ako ng taxi. Pagsakay sa taxi sinalubong ako ng Footloose na kanta. Pagkatapos nun, We Didn’t Start the Fire naman. Lunes na Lunes eto talaga ang playlist ng radio station ni Manong. So tumigil na lang ako sa pag-iisip at tumingin-tingin sa paligid. Ano pa nga bang gagawin ko kundi sabayan ang We Didn’t Start the Fire na yan! Dun ko nakita ang sticker na nakadikit sa gilid ng pinto ng taxi ni Manong – Lose/Gain Weight Safely 09192954303. Meron kaya talagang kumokontak sa kanila? Na-curious talaga ko kung ano ito to the point na gusto kong itext at tanungin kung anong chorva ito. Di bale, minsan pag bored ako, walang magawa at walang makausap, itetext ko ang number na ito. Pati na rin ang mga tubero ads na nagkalat sa Morato Area.

Day 4 – Dito ko na-realize na kahit maubos ang natitira kong pera for the week, keri lang dahil hindi ko talaga kayang maglakad sa overpass ng EDSA sa katirikan ng araw. Di ko talaga bet. I’m sorry. So FX uli ang drama ko ng araw na ito. Nagma-math na ko sa utak ko kung paano ko pagkakashahin ang pera ko for the week nang biglang may sumulpot na MMDA sa harap ng FX. As in nakipagpatintero siya sa FX. Ayaw niyang paabantehin. Hindi ko alam kung bakit hinuli si Manong Driver dahil nagbaba naman siya sa tamang babaan (I think). Ang dami kasing jeep at bus sa paligid niya. So dahil hinuli siya, galit na nagbukas ng pinto si Manong Driver at tinanong ang manong MMDA na naka-mask kung anong problema. Ang sagot ni Manong MMDA: “Nagsakay ka ng pasahero!” Manong Driver: “Eh merong jeep sa harap ko pano ko aabante?” Ako (sa isip ko): “Ano daw?” Tumayo at tumigil sa harap ng FX si Manong MMDA, inilabas ang ticket at nagsimulang magsulat. Si Manong Driver naman tinapakan ang gas at biglang prumeno. Akala ko sasagasaan niya si Manong MMDA. Medyo tinamaan niya si Manong MMDA pero di siya natinag, tinignan niya lang ng masama ang driver at tinuloy ang pagsusulat. Si Manong Driver naman bilang feeling niya talaga hindi dapat siya hinuli, biglang tinapakan uli ang gas at nagreverse ng bongga at tinakasan ang kawawang Manong MMDA. Naloka ko sa pangyayaring ito. Siguro kung merong motor si Manong MMDA malamang sinundan niya ang FX dahil mabagal lang naman ang takbo nito. Nasa 50-60 kph lang yata. Swerte pa rin niya. At shempre, mawawala ba ang side comments ng mga pasahero? Manong sa harap ng FX: “Ang dami-daming bus na nakaharang, hindi yun ang hulihin niya!” Babae sa likod: “Bakit ganyan yang mga MMDA na yan?” Lalaki sa likod: “Oo nga, mga walang magawa! Namemerwisyo pa!” Manong driver: “Tarantado talaga yang mga yan eh!” Nagkaron na talaga ng discussion tungkol sa mga traffic enforcers ng MMDA.

Buti na lang pagdating sa Philcoa, meron agad akong nakitang taxi na walang sakay at ang kulay ay Green and White! (Thanks George!) MGE Taxi, ang bonggang taxi! Yan dapat ang tagline nila dahil bukod sa malinis ang taxi na ito at malamig ang aircon, meron pang mini TV screen na nagpapalabas ng mga promo ng… San Miguel. What if ipalabas dito ang plugs ng 23? Hmmm… Taxi TV ad ang bagong way para i-plug ang mga shows/products. Nakalimutan ko lang kunin yung fina-flash nilang number. Next time…

Originally posted on Facebook: http://www.facebook.com/notes.php?id=749251843#/note.php?note_id=139450089688
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s