Kimmy Dora

Standard

Category: Movies
Genre: Comedy

Nakakaloka! Ang galing ni Eugene Domingo! Isang character nga lang nakakapagod na i-portray, what more kung dalawa?! It hindi lang basta-basta characters! Totally opposite pa na kahit nagkaron ng scene na need gayahin ni Dora si Kimmy at vice versa, hindi pa rin nawawala sa character si Uge! Such a brilliant actress! Hindi magkandaugaga sa katatawa yung mga tao sa sinehan dahil sa kanya. Yung lalaki sa likod ko na may kasamang mga anak, nakakaloka tumawa! As in hagikgik to the max na tumitinis! (Makes me wonder kung anak nya nga ang mga kasama niya.)  Yun namang nasa kaliwa kong dalawang babae kung tumawa with matching “Ohmygad!” at hampas ng armrest.

Bonggang-bongga talaga ng pelikulang ito! At ang pinaka-ok sa lahat, hindi ginawang tanga yung audience. Hindi tadtad ng slapstick at ka-cornyhan. Very lovable ang characters na sina Kimmy (sosyalera, smart pero masungit) at Dora (very nice but slow). Pati na rin si Elena!

Wala akong mapiling favorite scene kasi marami akong nagustuhang scenes. Wala rin akong mapiling favorite quote kasi ang daming nakakatawang linya sa pelikula.

Wish ko sana makagawa pa ng mga pelikulang tulad ng Kimmy Dora, 100 at Ded na si Lolo. Mga low-budget films na very entertaining pero may laman. Sa success nila, sana lumakas ang loob ng mga nasa mainstream cinema para gumawa ng mga may wawa na films.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s