Namamasko Po!

Standard

Nung bata ako, isang beses lang ako nakaranas mangaroling kasama ang mga pinsan ko. Gamit ang pinitpit na mga tansan na binutasan sa gitna para maisabit sa alambre at tambol na gawa sa binutas na lata ng Nido or Bona at tinakpan ng plastic na nilagyan ng sangkaterbang goma, inikot namin ang Baranggay Ube sa Sta. Mesa. Isang beses lang nangyari yun dahil hindi na uli ako pinayagan ng lola ko. Pero very memorable siya kasi mega effort dahil kami ang gumawa ng mga instrumento namin.

Ngayon sobrang disappointed ako. Actually, matagal na pala. Mga 2-3 years na kong disappointed. Kasi madalas yung mga nangangaroling na mga bata sa amin, pumapalakpak lang. Or minsan nga wala pang palakpak. Kanta lang talaga. At solo flight! Kaloka! Nung bata ako, ni hindi pumasok sa isip ko na mangaroling mag-isa. Ang lungkot kaya nun! Pero sige na nga… siguro dala ng kahirapan kaya ang strategy ng mga bata ngayon, mag-solo para wala nang hatiang magaganap. Kanya-kanyang diskarte. Kanya-kanyang kanta. Nakakalungkot lang kasi parang nawala na yung pag-effort na manghingi sa tindahan ng mga tansan or maghanap ng gamit na lata ng gatas. Nawala na yung effort, nawala pa yung fun. Parang nagiging “kabuhayan” na siya ng ibang mga bata. Ganun na ba talaga ngayon? Ganun na kahirap ang mga tao?

Nakabasa ako ng isang article. Sabi ng isang priest sa UK, ok lang mag-shop lift basta sa malalaking kompanya. Ha?! Konsintihin ba ang isang gutom na tao na gumawa ng krimen?

Tapos, nagtataka ako kung bakit ang daming batang mga pasaway ngayon. Yung sobrang tigas ng ulo to the point na susuko ka na? I know. Walang konek. I’m just so bothered.

There’s something terribly wrong with our society (not just the environment). Sana lang makita ng mga tao ito at magawan ng paraan.

Sana lang kahit papaano naging merry ang Christmas ng lahat. At sana maging happy ang new year!

Advertisements

One thought on “Namamasko Po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s