Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 3)

Standard

By Toni Cruz

Sa pagtatapos ng nabinbing istorya na ito (sorry naman at after 48 years bago nasundan uli ang part 2).

Day 5 – Friday. Yehey may kotse na uli ako! Naayos na kasi ang nasirang sasakyang ng parents ko. Kiyeme na kahit coding nun. At least hindi ako nahirapan sa pagsakay. Pero hindi dito nagtatapos ang kwento. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon eh naka-kotse ako. There are still times na kailangan ko mag-commute.

So kailangan kong pumunta ng Sta. Mesa minsan. At bilang meron akong malaki at mabigat na bag, nag-taxi ako sa Philcoa (ang paborito kong sakayan ng taxi). Bwiset ang araw na ito dahil ang hirap humanap ng taxi. Karamihan may sakay or ayaw pumunta ng Sta. Mesa. After 45 mins may nagsakay din sakin sa wakas! I was saved by Jomalyn (TXD 687)! Ito ang pangalang ng taxi na kapag nakikita ko eh natatawa ako. Who in their right mind would name their daughter Jomalyn? Pasintabi sa mga may ganitong pangalan. Pasensha na. Mashado lang… exotic for me.

Anyways, dedma na kahit madumi at kakarag-karag ang taxi na ito. Puro kalawang, basag ang ilaw, sira ang lock, gulagulanit ang upuan at sobrang hina ng aircon (as in mas mahina pa sa number 1 setting ng isang maliit na 3D electric fan na mga 6-10 feet ang layo sayo). I was thinking, at least hindi ko na kailangan magpapalit-palit ng sasakyan para makarating sa pupuntahan ko. Medyo naloka lang ako kay Manong dahil napasobra yata ang pag-inom niya ng kape. Kasi ba naman bawat intersection sa may Gilmore Ave. eh bigla siyang nagpe-preno. Bukod dun, hindi rin siya mahilig bumusina. Mga dalawa hangang tatlong beses lang naman bawat kanto. Eh ilang kanto yun? 12? 13? At tahimik lang si manong so nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

Manong: Di na nakapalag yung babae o?!

Ako: Po?

Manong: Yung babae na-isnatchan ng bag dun sa may jeep hindi mo nakita?

Ako: Ay hindi po. (Binabasa ko kasi yung poster ni Gibo sa isang poste ng ilaw sa itaas ng mga dinikit na mga mukha ni Lito Lapid.)

Nakarating naman ako sa pupuntahan ko nun. At kahit nanlilimahid ako sa pawis, thankful pa rin ako kay Jomalyn. Fortunately, wala pa naman akong nararanasang scary or life threatening at sana wala akong maranasang ganito ever! Ang ikanabubwiset ko eh yung mga taxi drivers na ayaw magsakay dahil nalalayuan sila or feeling nila masyadong traffic dun sa pupuntahan mo (ma-flatan sana sila ng gulong). May mga mababait pero meron ding mga mandurugas (sila din sana ma-flatan).  Hay! Adventure talaga ang pagco-commute!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s