Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 3)

Standard

By Toni Cruz

Sa pagtatapos ng nabinbing istorya na ito (sorry naman at after 48 years bago nasundan uli ang part 2).

Day 5 – Friday. Yehey may kotse na uli ako! Naayos na kasi ang nasirang sasakyang ng parents ko. Kiyeme na kahit coding nun. At least hindi ako nahirapan sa pagsakay. Pero hindi dito nagtatapos ang kwento. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon eh naka-kotse ako. There are still times na kailangan ko mag-commute.

So kailangan kong pumunta ng Sta. Mesa minsan. At bilang meron akong malaki at mabigat na bag, nag-taxi ako sa Philcoa (ang paborito kong sakayan ng taxi). Bwiset ang araw na ito dahil ang hirap humanap ng taxi. Karamihan may sakay or ayaw pumunta ng Sta. Mesa. After 45 mins may nagsakay din sakin sa wakas! I was saved by Jomalyn (TXD 687)! Ito ang pangalang ng taxi na kapag nakikita ko eh natatawa ako. Who in their right mind would name their daughter Jomalyn? Pasintabi sa mga may ganitong pangalan. Pasensha na. Mashado lang… exotic for me. Continue reading

Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 2)

Standard

By Toni Cruz
(Caution: Work in progress)

Day 3 – Bilang tirik na tirik ang araw, nag-FX uli ako going to work. Usually, pagkasakay na pagkasakay ko nagbabayad agad ako ng fare pero this time may thinking moments. Inisip ko kung sa Quezon Ave ako bababa at maglalakad hanggang sa Esguerra gate. Pero dahil mainit talaga at wa-effect ang buga ng aircon ng FX na ito, hanggang Philcoa ulit ang binayad ko. Pero kahit nakabayad na ko, iniisip ko pa rin kung what if sa Quezon Ave na ko bumaba. Pwede namang magbago ng isip di ba? But no, hindi yata traffic nun dahil nagulat ako ng sumigaw si Manong driver ng “MERON SA PHILCOA?” Shempre ako naman na-shock sa bilis ng biyahe at dahil hindi ko na natapos ang thinking moments, nasabi ko na lang: “Dyan na lang po sa may Caltex!” Continue reading

Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 1)

Standard

By Toni Cruz
(Caution: Work in progress)

Medyo matagal-tagal ding hindi ako nakapag-commute mag-isa. Hindi naman ako anak mayaman. Yung ok lang. Yung tipong may kotse pero kailangan kong pagtrabahuan ang pang-gas. Minsan pag may budget, 500 Unleaded. Pag kulang ang budget, 300. Pag wala talagang budget, utang or sasagarin ko siya hanggang makarating sa bahay. Awa ng Diyos, hindi pa naman ako natitirikan. At bilang walang gas yung sasakyan, kinabukasan, makakarinig na ko ng malakas at matinis na pagalit mula sa Nanay ko. Na hindi nagbabago, kabisado ko na nga eh – “Sinabi nang wag mong paaabutin ng 1/4th yung gas! Masisira yung sasakyan! Buti kung may pambayad ka! Hindi mo iniisip yung mga gastusin! Mas mapapamahal pa pag nasira yan!” With matching Tsk at pagkakamot ng ulo or pagbubura ng mukha. Minsan, yun ang nagiging alarm clock ko. Kahit hindi ko pa kailangang gumising.

Ngayon nagco-commute uli ako, not by choice. Kailangan lang talaga dahil kailangang gamitin ng mga magulang ko ang kotse. Nasira kasi yung ginagamit nila. At bilang anak lang ako shempre kailangang magparaya sa mga magulang.

Day 1 – Rode a jeep going to work. The last time I rode a jeep from Fairview to Philcoa, 7 or 10 pesos lang yata. But no! Ngayon, 15 pesos na! At bilang nagmamadali ako nung araw na yun at mabigat ang dala kong bag, mega-para ako sa unang jeep na nakita kong walang sakay sa harap. Gusto kong sumasakay sa harap kasi at least 3 lang kayo. Si manong driver, ako at if ever yung isa pang makikisiksik sa harap. Sinwerte ako ng araw na ito dahil walang mashadong tao sa kalsada, so solo ko ang upuan sa harap. Pero malas din dahil mainit at maalikabok. Traffic pa so ang lagkit at pawis factor eh bonggang-bongga. Aburido pa si Manong Driver dahil walang sumasakay kahit na tinigilan na yata nya bawat kantong makita niya na may tao. Tapos meron pa siyang sakay na papuntang Alabang na supposedly eh dapat bumaba na sa may SM Fairview. At bilang may pagka-masama ng konti ang ugali ni Manong, ibiniba niya ang mag-ina sa kalagitnaan ng Commonwealth.

Ang upsound ni Ate: “Baka naman gabi na kami makasakay dito ha?” Upsound ni Manong: “Bakit naman kayo gagabihin? Dapat nga sa may SM Fairview pa kayo bumaba eh!” Ate: “Aba’y malay ko hindi ko alam eh!” Padabog siyang bumaba hilahila ang anak. Napailing si Manong driver. Ako: Tingin sa labas, dahil ayokong kausapin ako ni Manong dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya if ever. Kaya nagsalita na lang siya mag-isa. Continue reading