Unlucky 9 in 2009

Standard

  • Ondoy and Pepeng Typhoon
  • Mt. Mayon Eruption
  • Maguindanao Massacre
  • Superferry 9, MV Hera, Catalyn B, MV Baleno 9 sinking

R.I.P.

  • Corazon Aquino
  • Francis Magalona
  • Douglas Quijano
  • Johnny Delgado
  • Farrah Fawcett
  • Michael Jackson
  • Patrick Swayze
  • Stephen Gately
  • Brittany Murphy

It looks like 9 isn’t so lucky after all!

Advertisements

Namamasko Po!

Standard

Nung bata ako, isang beses lang ako nakaranas mangaroling kasama ang mga pinsan ko. Gamit ang pinitpit na mga tansan na binutasan sa gitna para maisabit sa alambre at tambol na gawa sa binutas na lata ng Nido or Bona at tinakpan ng plastic na nilagyan ng sangkaterbang goma, inikot namin ang Baranggay Ube sa Sta. Mesa. Isang beses lang nangyari yun dahil hindi na uli ako pinayagan ng lola ko. Pero very memorable siya kasi mega effort dahil kami ang gumawa ng mga instrumento namin.

Ngayon sobrang disappointed ako. Actually, matagal na pala. Mga 2-3 years na kong disappointed. Kasi madalas yung mga nangangaroling na mga bata sa amin, pumapalakpak lang. Or minsan nga wala pang palakpak. Kanta lang talaga. At solo flight! Kaloka! Nung bata ako, ni hindi pumasok sa isip ko na mangaroling mag-isa. Ang lungkot kaya nun! Pero sige na nga… siguro dala ng kahirapan kaya ang strategy ng mga bata ngayon, mag-solo para wala nang hatiang magaganap. Kanya-kanyang diskarte. Kanya-kanyang kanta. Nakakalungkot lang kasi parang nawala na yung pag-effort na manghingi sa tindahan ng mga tansan or maghanap ng gamit na lata ng gatas. Nawala na yung effort, nawala pa yung fun. Parang nagiging “kabuhayan” na siya ng ibang mga bata. Ganun na ba talaga ngayon? Ganun na kahirap ang mga tao? Continue reading

Si Ondoy at ang mga Presidentiables

Standard

Bilang tugon sa request mula sa mga kaibigan sa ibang bansa.
Ito ang isang compilation ng mga kung anong ginawa at ginagawa nila.
Walang halong bias. Just stating facts.
If you have something to add, please don’t hesitate to leave a message.

(*Controversial entries need to be confirmed. Sana hindi totoo.)

Sa mga supporters, ng iba’t-ibang Presidentiables, wag magalit sakin. I’m just merely compiling.

Manny Villar
During the Storm:
– Deployed 35 Dump Trucks to rescue people
– Put up his own Text Hotline to help people.
– Sent packed food to evacuees. Continue reading

Manong Taxi and Other Adventures on the Road (Part 2)

Standard

By Toni Cruz
(Caution: Work in progress)

Day 3 – Bilang tirik na tirik ang araw, nag-FX uli ako going to work. Usually, pagkasakay na pagkasakay ko nagbabayad agad ako ng fare pero this time may thinking moments. Inisip ko kung sa Quezon Ave ako bababa at maglalakad hanggang sa Esguerra gate. Pero dahil mainit talaga at wa-effect ang buga ng aircon ng FX na ito, hanggang Philcoa ulit ang binayad ko. Pero kahit nakabayad na ko, iniisip ko pa rin kung what if sa Quezon Ave na ko bumaba. Pwede namang magbago ng isip di ba? But no, hindi yata traffic nun dahil nagulat ako ng sumigaw si Manong driver ng “MERON SA PHILCOA?” Shempre ako naman na-shock sa bilis ng biyahe at dahil hindi ko na natapos ang thinking moments, nasabi ko na lang: “Dyan na lang po sa may Caltex!” Continue reading